Panoorin: Babae, nasaksak sa bakod ng sementeryo, habang tinatakbuhan ang attacker!

Babae, nasaksak sa matulis na bakod, habang tinatakasan ang kanyang attacker! Isang babae sa Pennsylvania ang naligtas ng mga firefighters at ENT workers, matapos siyang masaksak sa isang matulis na bakod ng isang sementeryo. Ini-release ng Hazelton Fire Department ang dalawampu’t pitong litrato ng insidente, kung saan ipinapakita ang babaeng tinagusan sa hita ng isang bakal na spike, na may at least six inches ang haba. Ayon sa mga saksi, sinabi sa kanila ng babae na tinatakasan niya ang isang attacker, na sinaktan siya sa sementeryo. Dahil naka-lock ang gate, sinubukan niyang talunin ang bakod na may limang talampakan ang taas – pero na-stuck siya sa gate. Napansin ng napadaan na sina Amber Judge at Dorothy Molion na kumakaway ang biktima, at nilapitan nila ito. Tinawagan nila ang pulis, at huminto din sa eksena si Jose Mendez at ang kanyang asawa. Sa sumunod na kalahating oras, tinulungang buhatin ni Mendez ang babae, dahil nawawalan nan g pakiramdam ang kanyang kanang binti. Dumating ang mga firefighters, na hiniwa ang parte ng bakod na nakasaksak sa hita ng babae. Hiniga nila sa stretcher ang babae, at hiniwa ang sumobrang parte ng bakod. Ayon sa City fire chief na si Brian Mandak, nilipat nila ang babae sa ospital nang nakasaksak pa ang spike sa kanyang hita, para hindi siya mawalan ng dugo, sakaling tumagos ang spike sa isang artery. Inaasahang makakapg-recover ang babae mula sa kanyang mga injuries.

WATCH THE VIDEO

Comments

Loading...

Popular posts from this blog

Kontrobersyal na video ng Kathniel

Panoorin: Isang Babae Ang Pinagkakaguluhan Ngayon Dahil Sa Kanyang Matinding Alindog. Inggit ang mga kilalang celebrities